Parehong kilalang image format ang JPG at JPEG, at ang tanging pinagkaiba lang nila ay kung ano ang nakikita mo. Ang mas lumang bersyon ng Windows ay hindi pumapayag sa file extension na higit sa tatlong character, kaya .jpg ang ginamit sa halip na .jpeg, na karaniwang gamit sa Mac at UNIX systems.
Kahit sinusuportahan na ngayon ng Windows ang mga file na may mas mahabang .jpeg extension, mas naging laganap ang paggamit ng tatlong-character na extension. Bukod sa dagdag na character, wala talagang pagkakaiba sa pagitan ng JPG at JPEG images.